paraluman



lumipas pa ang maraming taon

sa panaginip ko
muli tayong nagkita
sumayaw sa piling ng amorseko’t makahiya
sa lilim ng ulan ng dahong matatanda
magkatalik ang ating mga kamay
yumuyugyog ang puno’t sumasabay

nagising ako
sa ermita.
maliwanag na ang eskinita
may pasabog ng barya
may pabitin ng lamang sariwa

buwan lang ang nagmamanman
sa kalakaran ng ginabing tanghalan

natapon ang alak sa lalamunan

kamukha mo pala si paraluman
nung tayo ay bata pa,
ang galing-galing mong sumayaw

wala kang kupas sa paghataw
ang kaluluwa mong magaslaw
hindi yata suot ang tadyang mong magaslaw

­nakakaindak-nakakaaliw
nakakatindig-balahibo

di na lang sa panaginip ang sayawan
may kamuha naman si paraluman
may renta nga lang ang katawan.

Lalalalalalala…


[1] hango sa kantang Ang Huling El Bimbo
mula sa koleksyon ng tula:
KODA: Diskografiya ng mga Nabiting Nota ni ELY BUENDIA
Next PostMas Bagong Post Previous PostMga Lumang Post Home

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento