Biyernes Santo




O hesus
Sa piling ng iyong mga apostol

Nakikiisa ako sa iyong pagdurusa
Gusto kong akuin ang mga haplit ng mga bala
                                    ang mga tinik na naidikdik sa iyong ginhawa
                                    ang mga suntok na naghasik ng pasa sa’yong kaluluwa

O hesus
Ito’y kalabisan sa iyong pagiging mesaya

Wag mo silang patatawarin
                alam ng mga hudyo ang kanilang ginagawa
alam ng mga saserdote ang kanilang ginagawa
                alam ng mga pariseo ang kanilang mga ginagawa
                alam ni Poncio Pilato ang kaniyang itinakda

Mahimbing ka o hesus
Iratay ang hapong katawan sa paanan ng asukarera

Ang Ama na ang bahalang magpasiya
    magparusa

At sa huling araw ng adbyento,
Lalamunin ng lupain ang haring dilawan
Sasalubingin kita kasabay ng paglaya ng tubuhan.


Alay sa pesanteng ibinayubay sa haliging tinik
At walang habas na pinagbabaril ng mga militar sa Hacienda Luisita.

Next PostMas Bagong Post Previous PostMga Lumang Post Home

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento