Miyerkules. Kaya kakaunti lang ang estudyante. Buti at walang sagabal sa gagawing pagkaripas ng takbo mula sa GWA hanggang sa Library.  Ngayon na ako sasagutin ni Cindy. Sapat na siguro itong panyong pula, ireregalo ko sa kanya, pero bago ang lahat, kailangan ko munang hanapan ng sagot ang pag-aalburuto ng sikmura ko.  At sa mga ganitong pagkakataon, ang mga palikuran sa library ang nagsisilbing santuaryo ng bawat PNUan.

Takbo-lakad ang ginawa ko. Takbo kapag nararamdaman kong medyo umuurong na ang laman-tiyan at lakad naman ‘pag sumusulong na uli pababa ang mga prinosesong pagkain sa loob ng tiyan ko. Buti na lang at naka-shorts lang ako, medali lang ang gagawing pagsalampak sa trono. Mas bumilis ang pag-urong at pagsulong sa loob ng sikmura ko, kaya hindi na rin ako magkandatuto sa pag-urong sulong ko. Takbo-tigil-lakad-takbo, para akong laruang remote control na sasakyan na naghihingalo ang baterya. Nagpatuloy ang takbo-tigil at urong sulong. Sa lobby ng library. Sa elevator. Sa banyo.

Buti na lang at Miyerkules ngayon, kakaunti lang ang estudyante. Walang tao sa CR. Diretso ako sa cubicle. Medyo kalmado na ang ang laman ng sikmura ko—natutong makisama. Lapag ng bag sa sahig. Kalag ng sinturon, Bukas ng butones. Baba ng zipper. Baba ng salawal. Baba ng brief. Kalayaan.

Kikiling pa lang ako sa inidoro ng biglang may yumakap sa’kin. Isang malaking tao, maskulado. Mahigpit. Walang kasing higpit. Naghintay sa mga sumunod na tagpo ang kanyang sikmura. Sisigaw sana ako, pero, Bigla niyang nilagay ang hinubad niyang brief sa bunganga ko. Humagod sa batok ko ang nakakikiliting bigote, malamig na labi at mainit na dila, Tang ina, sino ‘to? Umaalma ako, pero tinitigasan ako. Namilipit ang daliri ko sa paa, sa sakit at pait ng pagtitimpi at sa sarap ng kakaibang sensaysong nadama. Humigpit lalo ang kanyang yakap. Papabulwak na ang mga tae ko. Hindi ko na mapigilan. Bumigay na ang makinaryang pampigil ng sikmura. Pero anak ng makinarya, binigla niya ang tumbong ko. Papabulwak na ang malapot kong tae nang salubungin niya ng mainit niyang sandata. Napasigaw ako sa kabila ng nakabusal sa bibig ko, kinatawan ng mga kumawalang luha ang mga impit na tunog ng paglaban.

Walang puwang para sa lakad-takbo. Wala na ring laban ang punung-punong sikmura sa pagpapaurong at pagpapasulong ng kanyang tae. Ang makapangyarihang sandata niya sa aking puwet na lamang ang makapangyayari. Ang Urong-sulong ay naging hugot-baon. Ang mabagal ay natutong bumilis. Kumawala ang kanyang malagkit na likido, kumawala ang mas mainit kong likido. Dumagta sa brief ko, nagmantsa sa salawal ko. Hingal lang niya ang palatandaan ko ng pagkakakilanlan at nga pala—yung brief na ginawa niyang busal. Napasalampak ako sa sahig, kumawala ang mga natirang tae sa sikmura ko.

Binuksan ko ang gripo—madamot sa tubig, May budget cut nga pala.

Yung panyong pula.  



oyayi sa nakatindig na tore


tulog na, toreng maliksi
libog mo’y iyong iwaksi
lagukin ang anestisya
pagmulat, isa ka nang kuweba



martes

‘sang buwan ka nang lalake
may balbas at may bigote
ba’t may dugo angyong puke?



pompyang

dal’wang sinapupunan
nagmamahalan
mag-aampon na lamang



matinee

laman ng sine’t TV
katambal, sari-sari
halikan, siya ang hari
dumuduwal sa gabi





proyekto sa panulaang filipino
prop. joel costa malabanan










Ang pilosopiya ng mundo ay maikukumpara sa kalituhang taglay ng hiwaga sa pagitan ng kung ano nga ba ang nauna, ang itlog o ang manok. Para kahit paano ay maunawaan ang talinghagang ito, may dalawang kasangkapan ang puwedeng gawing tuntungang bato—ang utak at ang lipunan.

Utak

Ang pagkakaloob sa atin ng utak ay pagpapaubaya lamang sa atin ng dakilang lumikha na pumili sa itinakda niyang mapamimilian. Hindi porket may utak na at nakapag-iisip na ay nangangahulugang matalino na ang mga mabubuo nitong konsepto o desisyon. Gaya na lang halimbawa sa isyu ng pagbuo ng mga desisyon ng mga mambabatas sa pagbubuo ng mga walang kuwentang batas gaya ng Cybercrime Prevention Law. Hindi ko sinasabing bobo sila o kung anuman, pinapatunayan ko lang na kahit may utak ang tao (mga intelekwal na nagtapos pa sa mga pangunahing pamantasan) hindi nga nangangahulugang matalino na sila sa lahat ng pagkakataon. Kahiwalay pang usapin dito angmoralidad bilang aspekto sa pagbubuo ng desisyon gaya ng pangongopya ng talumpati ng may talumpati.

Ang mundo ay dumaraan sa maraming ulit ng pagbabago at pagpapanibago at ang trabaho ng tao ay ang sumabay sa bawat kumpas nito. Ang utak bilang sentral na kabahgi ng isang indibidwal ay may gampaning manguwestiyon, magtaka at bumuo ng mga konseptong pilit na magpapaliwanag sa mundong kinabibilangan niya. Itatanong niya marahil, bakit ganito lang kaliit ang sahod ng mga manggagawang dugo at pawis ang puhunan samantalang ang mga kapitalista nama’y uupo upo lang sa kanilang mga palasyo e, kung kumita ng limpak limpak na salapi e ganun ganun na lang (hindi pa palaging naidedeklara sa mga SALN).

Anong itsura ng tao—ng mundo kung walang utak na naghahari. Sabi nga, “it’s all in our mind”—ang saya, sakit, lungkot, pasakit at lahat ng emosyong tinataglay ng tao. Mawawala rin ang memorya. Maraming makakalimutang listahan ng utang, maraming makalulusot na congressman sa mga kasalanan nila sa bayan. Wala ng mga malikhaing isip na gagawa ng mga panitikan. Wala ng mga maliliksing kaisipang magbabalangkas ng ating kasaysayan. Ibig sabihin, ang mundo ay mamatay—wala ng pinagkaiba sa mga kapitbahayan nating planeta.
Ang totoo niyan, utak lang tayo na tinubuan ng katawan. Sunud-sunuran lang ang paa, tuhod, balikat at ulo sa dikta ng ating utak.

Lipunan

“Neccesity is the mother of all invention.”

Kaya may ganito dahil may ganyan. Kaya may mata para makita ang lipunan. Kaya may tainga para marinig ang lipunan. Kaya may pandama para madama ang lipunan, kaya may panlasa para malasahan ang lipunan, kaya may ilong para maamoy ang lipunan—at kaya may utak para subukang unawain ang mga nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy natin sa lipunan. Lahat may kinalaman sa lipunan. Ito ay dahil sa katotohanan na ginagawa ang tao para manirahan sa lipunan. Lahat ng taong nabubuhay at namamatay, ay may lehitimong ambag sa lipunan (sa parehong positibo at negatibong konteksto), depende sa kung paano gagamitin ang utak.

Gampanin ng utak na bumuo ng desisyon at gampanin naman ng lipunan na bumuo ng hanay na mapamimilian. Parang exam—ang utak ang nagtatanong at ang lipunan ang A, B C at D. Pero ang walang maling sagot kung mayroon man, malamang pakana na naman ito ng mga naghaharing uri ng lipunan gaya ng moralistikong simbahan at ganid na kapitalista. Ang tunay na mundo ay walang iisang sagot. Minsan, “both A and B” o kaya naman “both A and C”, “both B and C”, madalas pa nga “All of the above” pero ni minsan ay hindi naging “None of the above”. Palaging naglalaan ng mapagpipilian ang ating lipunan at ang bawat karanasang tinaglay natin ang nagtatakda kung paano tayo pipili.

Sinasabi ng simbahan na ang problema ng tao ay hindi niya alam bakit niya pinoproblema ang lahat ng konseptong hindi niya nauunawaan, at tutuldukan ito ng mga pamosong litanya na, magtiwala ka lang sa Diyos. ‘Wag daw kuwestyunin ang karunungan ng Diyos. Pag ginamit na ‘to sa debate ng tatay ko (Komunismo kontra Divine providence) nasasabi ko na lang, patay na! talo na naman ako. Tinatanong ko siya, bakit si Cory Aquino, madasalin at kilalang religious icon pero hindi magawang maipamahala ang Hacienda Luisita sa mga mahihirap na magsasaka, ang matindi pinapatay niya pa ang mga ito. Sasagot na lang yun, ba’t ba kinukwestiyon mo ang kalooban ng Diyos. Ibig sabihin nun tapos na ang usapan.

Nagbabanggaan ang mga higanteng konsepto ng FREE WILL at GOD’S WILL. Utak laban sa kalooban ng Maykapal. Ito yung ilan sa mga dalawang konseptong ayaw na ayaw na pagtagpuin ng tao. Parang ice cream na may sili lang. Kasi nga takot na makasagasa ng mga pananaw. Yung isyu na lang ng Reproductive Health Bill e. Sa bibihirang pagkakataon, nanalo ang FREE WILL sa GOD’S WILL. At sasabihin na naman ng mga katoliko sagrado, mapupuno ang impyerno ng mga kagaya ko.

Ano ang punto ko? Ibinigay sa atin ang utak,(wag na pag-usapan kung kanino galing) kaya dapat nating gamitin. Para saan? Sa lipunan. Para mas maunawaan natin ang mga bagay bagay. Hindi ko hinihikayat na ipaliwanag ang lahat ng wlang kapararakanag bagay. Pero hangga’t maaari, hangga’t kaya, ipaliwanag natin yung mga misteryo ng pananamantala.

Mahalaga ang gampanin ng mga kabataan at intelektwal sa pagpapalaya sa bayan. Responsibilidad nating buksan ang mga nakasarang utak para maglingkod sa bayan. Lalo’t higit sa mga guro. Malaki ang panawagan na lumabas sa kumbensyong kinabibilangan. Sa status quo na pinakikinabang ng mga mapagsamantalang utak ng lipunan.

Ngayon kung hindi kayo maniniwala sa mga sinasabi ko, para na rin kayong mga taong nasa loob ng kuweba—pasibo, arogante at ignorante.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa rin kayang ipaliwanag ang misteryong bumabalot sa itlog at sa manok.


Reaction Paper Number 1
Philosopical Analysis