chance passenger
May sale daw ng mga ticket pauwi ng Bicol, yung dating 900, magiging 600 na lang. Isa sa mga natuwa si Mang Hulyo, paano ba naman, matagal na niyang gustong makauwi sa kaniyang probinsya. Matagal na niyang gustong makita ang kanyang mga iniwang anak at asawa. Eksakto, sa bisperas ng pasko, magkakasama-sama na sila. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, bibilhin niya ang ticket at susurpresahin niya ang kanyang mag-iina, yung pinaghirapan niyang isanlibo ay binawasan niya ng kaunti at namili ng kaunting pasalubong para [.....]
Nagkalat ang mga tao sa baryo. Marami sa mga ito ang taga-roon, pero mas lamang ang mga dayo at namimista sa kaarawan ng poon. Maingay ang pasiklaban ng mga component at iba pang pampatugtog sa bawat bahay. Nagpapalakasan at nagpapaingayan. Lahat ay pinaiindak ang mga bisita at ang mga nagsisipaghanda’t nagsisipag-asikaso sa pista. Pero tumiklop ang lahat ng ingay nang magsimulang dumaan ang parada sa pangunguna ng isang bandang naglalatag ng kakaibang ingay. Ang mga bisitang nagsisipag-indakan ay dagling nagsitanghuran sa mga bakuran kasama ang mga [.....]