Aba Ginoo na ang mga Maria
At  matitipuno na ang mga Gracia
Ang sanilubta’y galit sa inyo
Bukod na pinagpala ang mga babaeng ganap
At pinagpala namang higit ang mga lalakeng Hesus

Mga Mariang de-paldang dating Diyos
Manalangin ma’y palaging makasalanan
Ngayon, hanggang sa sila’y mamatay…

Amen




Sabi ni Ely Bendia,
             Umiiyak ang umaga,
            Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan?
             Sa gintong salamin
             Hindi na niya mabasa
             ‘pagkat mayroong nagbura...

     Muling nagkakalamat ang gintong salamin, nakita niya
     May bagong gasgas
     May bagong alingasngas
     May bagong pintas na huhubad sa kinang ng salamin
     Pero kahit ano daw ang gawin natin, hindi siya aamin.

     Kaya, muling umiyak ang umaga
     Nagsulat si Enteng,
          Hindi ng kanta
          Hindi ng iskrip
          Hindi ng talumpati
          Isang batas!
            Batas na uusig sa mga umaagaw ng kinang ng kanyang salamin

     Kasama ni Enteng si Agimat at ang buong senado
     Buburahin nila an mga lumalaban sa estado
     Hahawakan nila
     Lilipunin
     Kokontrolin
     Sa kanilang mga palad ang mundo.
     Paiikutin. Paiikutin.
     Paiikutin
At magpapatuloy sa pagkanta si Ely Buendia
Puwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo.
Puwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo.
Ang pag-ikot ng mundo
(ulitin hanggang mabasura ang CCPL)


hango sa spoliarium ng eraserheads


Linggo at may misa ka,
Ako nama’y may kilos-protesta

Ipinagdarasal mo ako,
At pinapalaya ko kayo.

Lumuhod ka pagkalunok ng ostya
Napaluhod ako sa pagpalo ng batuta

Matapos ang basbas ng kura paroko
Matapos ang pagbomba ng bumbero

Magkita tao sa may Mcdo
Dun sa may Recto

Kung walang dumating na ako,
Isawsaw mo na lang ang fries sa sundae mo

Ipagdasal mo na rin ang paglaya ko.