Sabi
ni Ely Bendia,
Umiiyak ang umaga,
Anong
sinulat ni Enteng at Joey diyan?
Sa
gintong salamin
Hindi na niya mabasa
‘pagkat mayroong nagbura...
Muling nagkakalamat ang gintong salamin, nakita
niya
May bagong gasgas
May bagong alingasngas
May bagong pintas na huhubad sa kinang ng
salamin
Pero kahit ano daw ang gawin natin, hindi
siya aamin.
Kaya, muling umiyak ang umaga
Nagsulat si Enteng,
Hindi ng kanta
Hindi ng iskrip
Hindi ng talumpati
Isang batas!
Batas na uusig sa mga umaagaw ng
kinang ng kanyang salamin
Kasama ni Enteng si Agimat at ang buong
senado
Buburahin nila an mga lumalaban sa estado
Hahawakan nila
Lilipunin
Kokontrolin
Sa kanilang mga palad ang mundo.
Paiikutin. Paiikutin.
Paiikutin
At
magpapatuloy sa pagkanta si Ely Buendia
Puwede bang, itigil niyo na
ang pagikot ng mundo.
Puwede bang, itigil niyo na
ang pagikot ng mundo.
Ang pag-ikot ng mundo
(ulitin hanggang mabasura
ang CCPL)
hango sa spoliarium ng eraserheads
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento