3:48 AM

Dalaw



“Daddy! Daddy! Daddy!” Sigaw ni Monica.
Nataranta ang kanyang amang si Johnny. Halos nangangalahati pa lamang siya sa pagtatabas ng kanyang bigote ng magulantang siya sa magkakasunod na sigaw ng kanyang anak.  Naalala niya bigla na kanina pa ito nagrereklamo at umaaray sa pananakit ng kanyang puson. Putsa! Ang anak ng makisig na si John Regala, dinadalaw na ng regla at sa kinamalas-malasang kambing, absent pa ang ina niyang si Mila sa unang araw ng pagdadalaga ng kanilang anak.
“Dadddy… Daddy.”
Hindi magkandaugaga [.....]

1:29 AM

Ba Ba Blaksyip



Bilin ni ina pag gabi na at wala pa siya sa kama na ako dumirekta
Ipipikit ang mata at matutulog mag-isa Pag hindi kaya tsaka na magbibilang ng tupa
Isang tupa Dalawang tupa Tatlong tupa
Namanhid  ang hele Napaos ang oyayi Kalansing ng baraya pangrenta sa kumakalam na sikmura
Apat na tupa Limang tupa
Sa ikaanim ng umaga Nakita ko sa ina
Sa kanlungan ng itim na banyaga
Anak ng tupa Anak pala ako ng puta

Mula [.....]

3:26 AM

PULA


puti ang kamiseta
pula ang kaisipan
BANG!

Pumula ang kamiseta


[.....]

8:14 PM

Biyernes Santo




O hesus Sa piling ng iyong mga apostol
Nakikiisa ako sa iyong pagdurusa Gusto kong akuin ang mga haplit ng mga bala                                     ang mga tinik na naidikdik sa iyong ginhawa                                     ang mga [.....]

11:27 PM

BOTSA BY GOLLY WOW




May isang dyip na hinahabol ang pagsakop ng liwanag sa dilim. Binabagtas ang rutang Plaridel at Q-mart.  Hinarang ng mga pulis. Sinamsam ang mga baboy na patay na pinatay.
May isang dyip na papagarahe na galling sa isang kilos protesta. Binabagtas ang rutang Mendiola at Rizal. Hinarang ng mga pulis. Dinakip ang mga aktibista—binaboy. Pinatay.  [.....]

1:11 AM

ako si B


[.....]

9:48 PM

AKO SI BATMAN



Madamot ang ilaw na hatid ng inaalikabok na bumbilya. Gumegewang-gewang sa may ulunan ng aktibistang nabingwit ng apat na pulis.

Nakatali ito sa upuan. Hubu’t hubad. Basang basa at puno pa ng boltahe ang kalamnan. Subalit puno pa rin ng angas, tahanan pa rin ng tapang at pagmamahal sa bayan ang kanyang tikas. Nakapaligid sa kanya ang apat na pulis na hindi nauubusan ng maitim na balak para sa kanya at sa mga kauri niya.

“BATA ANONG PANGALAN MO? SINO PA MGA KASAMA MO?” Usisa ng matandang pulis.
“AKO SI BATMAN! WALA KAYONG MAKUKUHA SA’KEN” nanunudyo ang ngiti nito.

Isinabit ng mga pulis sa leeg niya ang isang lumang tirador, matapos ay [.....]

6:34 PM

Orgasmo: Pula Kung Magmahal ang Aktibista



Nagmahal ang Aktibista
Mahal kita Mahal ko ang lipunan Mahal mo ang lipunan Mahal mo ako
Mahal mo ako Mas mahal ko ang bayan Mahal kita Mas mahal mo ang bayan
Mahal na mahal kita Mahal na mahal mo ako Mahal na mahal natin ang bayan
            Mahal nila ang tubo             Mahal nila ang kita             Mahal nila ang bala             Mahal nila ang sistema
                        Mahal ang gasolina                         Mahal ang matrikula                         Mahal ang buwis                         Mahal ang bilihin
Mahal… …Mahal Makipagniig na tayo sa masa.





Minsan sa Anatomiya ni Luisita
Sige! Bayuhin mo ako. Itarak mo sa akin ang [.....]

8:15 PM

Sir.Ma’am.Sir.



“Sir. Ma’am, Sir. Bumili na po kayo ng ULTIMATE KNIFE. 07, isang set na po yan mga ma’am, mga sir. Walang gulay sa bahay-kubo ang hindi nito kayang talupan at hiwain. Sir. Ma’am. Sir, Kung dito niyo ‘to bibilhin, makatatanggap po kayo ng mas malaking discount at maaari pa kayong makakuha ng libreng items. Sir. Ma’am. Sir. Bumili na po kayo. ”
Araw-araw ko na ‘tong litanya. Nung mga unang buwan ko rito medyo nauutal-utal pa ako pero kinalaunan para na itong Aba Ginoong Mariang [.....]