Bilin ni ina
pag gabi na at wala pa
siya
sa kama na ako dumirekta
Ipipikit ang mata
at matutulog mag-isa
Pag hindi kaya
tsaka na magbibilang ng
tupa
Isang tupa
Dalawang tupa
Tatlong tupa
Namanhid ang hele
Napaos ang oyayi
Kalansing ng baraya
pangrenta sa kumakalam na sikmura
Apat na tupa
Limang tupa
Sa ikaanim ng umaga
Nakita ko sa ina
Sa kanlungan ng itim na
banyaga
Anak ng tupa
Anak pala ako ng puta
Mula sa FUTANESCA: ang krema de pruta ng mga inang biktima
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento