11:08 PM

bisita iglesia




“Sister, kinulang tayo ng isang simbahan panu na yan.? Aligaga si Aling Minerva sa paglalagay ng kanyang rosaryo at nobenaryo sa loob ng kanyang bag. Alas tres na ng medaling araw.  Nasa kalagitnaan sila ng coastal road. Pabalik na sa kanilang parokya. Galing na sila sa iba’t bang simbahan—magmula sa Malate at Redemptorist church hangang Bamboo Organ at Our Lady of Fatima.

“WALANG HIYA KA ANDREW!!! Ikaw ang ama nito. Walang ibang lalaking gumamit sa’ken. Utang na loob panagutan mo naman ako.” Nagwawala [.....]

9:37 PM

Ang Huling Rengga sa Pamantasang Normal ng Pilipinas




(Ulat ng Direktor ng Sangay PLNTK sa taong 2012-13)

Ang rengga ay karaniwang ginagawa ng mga taong walang magawa. Ito ay isa sa mga naipamana sa ating kulturang pampanitikan ng mga hapon.  Ito ay ang aktibidad kung saan, nakalilikha ng isang tula ang grupo ng mga tao. Para siyang brain storming ng mga ideya. Para siyang lokohan sa una, pero sa ilan kina-carrer talaga ito. Pero sa huli, ang rengga ay maihahalintulad sa konsepto ng pagpapatatag ng panitikan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. [.....]

3:33 AM

lumuluha ang mahal na birhen


Hindi mapatid-patid ang pag-usal ng mga dasal ng mga deboto at parokyano. Kaliwa’t kanan ang pag-usad ng mga kalyadong daliri sa butil ng rosaryo-- binabagtas ang bawat misteryo .
Napuno ang dating nilalangaw na kapilya. Naglipana na sa labas ang mga nagtitinda ng panyong may imahen ng birheng Manaoag, banal na langis, rosaryo, nobenaryo, t-shirt at iba pang religious item. Ano mang oras ay nakatakda na ring dumating ang mga taga-Rated K para i-cover ang pambihirang tagpo.
Nag-iiyakan ang mga matatandang deboto. Sabi, palatandaan na [.....]

11:07 PM

paraluman



lumipas pa ang maraming taon
sa panaginip ko muli tayong nagkita sumayaw sa piling ng amorseko’t makahiya sa lilim ng ulan ng dahong matatanda magkatalik ang ating mga kamay yumuyugyog ang puno’t sumasabay
nagising ako sa ermita. maliwanag na ang eskinita may pasabog ng barya may pabitin ng lamang sariwa
buwan lang ang nagmamanman sa kalakaran ng ginabing tanghalan
natapon ang alak sa lalamunan
kamukha mo pala si paraluman nung tayo ay bata pa, ang galing-galing mong sumayaw
wala kang [.....]