“Sister,
kinulang tayo ng isang simbahan panu na yan.? Aligaga si Aling Minerva sa
paglalagay ng kanyang rosaryo at nobenaryo sa loob ng kanyang bag. Alas tres na
ng medaling araw. Nasa kalagitnaan sila
ng coastal road. Pabalik na sa kanilang parokya. Galing na sila sa iba’t bang
simbahan—magmula sa Malate at Redemptorist church hangang Bamboo Organ at Our
Lady of Fatima.
“WALANG HIYA KA
ANDREW!!! Ikaw ang ama nito. Walang ibang lalaking gumamit sa’ken. Utang na
loob panagutan mo naman ako.” Nagwawala si Amanda sa sasakyan. Walang tigil
niyang hinahampas ang kanyang sabog na nobyo habang nagmamaneho.
“Bayaan mo na
sister siguro maiintindihan na tayo ni Lord.” Tugon ni aling Azon habang
milalagyan ng pulbos sa likod ang limang taong apo. Inuugoy sila sa biyahe ng inaantok na
drayber. Halos tulog na ang lahat ng pasahero maliban sa kanilang tatlo.
“Tigilan mo ako
Amanda. Ihahatid na kita sa inyo. Hindi ko kayang panagutan yan, papatayin ako
ng tatay ko.” Hindi pa rin siya tinitigilan sa paghampas ng kanyang nobya.
Sa gitna ng
ugong ng makina, nagsalita ang pinakabatang lulan ng arkiladong jeep. “Panu yan
nanang, hindi na tayo makakapunta sa langit?”
“Kung hindi mo
kayang panagutan ang buhay sa loob ng sinapupunan ko, ihatid mo na lang kami sa
impyerno.!” Sabay kabig sa manibela.
3:18 a.m.-
nakabibingi ang mga sirena ng ambulansya.
nailathala sa AMORSEKO: Alarma
Ang Opisyal na Kalipunan ng mga Akdang Pampanitikan ng Kapisanang Diwa at Panitik
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento