Paparating na si Martin! Ang malaki at magiliw na alupihang kinahuhumalingan sa buong bayan. Nariyan na siya. Paparating na sa kumpulan ng iba pang insekto sa bayan. Dahil sa kaniyang laki, palagi niyang pinasasakay sa kaniyang likuran ang mga ito upang mabilis silang makarating sa kanilang pupuntahan. Dati kasi nakapila lamang silang naglalakad papunta sa imbakan ng asukal. Inaabot sila noon ng tatlong araw bago makarating, ngayon ay tatlong minuto na lamang.
Sumasakay sila sa likod ni Martin ‘pag dumadating na niya. [.....]
(Pitong Diona sa Bigas)
I.
Mga natatapon na Kanin sa may lamesa Langgam ang tumitira
II.
Bigas na isasaboy Sa kasal ng palaboy Atin nang iabuloy
III.
Kaning lamig at sabaw Iniinit ang ginaw Parang ako at ikaw
IV.
Bandehado ng kanin Kanilang aanihin Dehado’ng kikitain
V.
Naubusan ng kanin Ang kalderong maitim Kumalam nang mataimtim
VI.
Isang kilo ng bigas at bagyo na malakas lugaw ang handa bukas
VII.
Sinaing ay [.....]
Sabi ni Nora: Walang himala! Sabi ko: Meron!
Isang Araw ng Marso (tapos… pagtatapos)
Malapit na ang pagtatapos. Abala na ako sa paghahanda ng mga papeles para sa aking pagtatapos. Yung mga portfolio, journal, written report at iba pang requirements ay kailangan na ring matapos para sa araw ng pagtatapos. May babayaran pang grad pic, grad fee at year book—lahat ay para sa hindi matapos-tapos na paghahanda para sa pagtatapos.
Pinili kong mag-isang harapin ang lahat.
Yung mga kaklase [.....]
Siyam na Gabing Walang Simba (o kung paanong pinagsasamantalahan ng pasko ang karaniwang tao)
Silinyador
Unang pumikit ang mga headlight ng taxi ni Mang Ramon sa bulto ng mga nakatambak na sasakyan sa EDSA. Sumuko rin pati ang makina kaya magkasabay na nagpahinga ang radyong kumakanta ng mga awiting pamasko at ang aircon na bumubuga ng hangin. Pinihit niya pababa ang bintana upang hindi mainitan. Mabagal ang andar ng mga sasakyan palibhasa rush hour pa at kasusweldo lang ng karamihan kaya naman punong puno ng mga parokyano ang mga mall at ibang pasyalan.
Uminat si Mang [.....]
Noong bata ba ako, palaging nagagalit ang tatay ko kapag kaliwang kamay ang ginagamit ko sa paghawak sa lapis. Ganun din kapag nasa kaliwa ang kutsara kapag kumakain. Galit na galit din siya sa akin kung kaliwang kamay ang ginagamit ko sa pag-aabot sa kanya ng tsinelas tuwing uuwi siya, kung kaliwang kamay ang ipinapanghawak ko sa Chicken Joy at lollipop. Kapag naglalakad din sa kalsada bawal akong pumunta sa kaliwa, delikado daw yun. Lahat na lang ng kaliwa para sa akin noong bata pa ako ay masama [.....]
chance passenger
May sale daw ng mga ticket pauwi ng Bicol, yung dating 900, magiging 600 na lang. Isa sa mga natuwa si Mang Hulyo, paano ba naman, matagal na niyang gustong makauwi sa kaniyang probinsya. Matagal na niyang gustong makita ang kanyang mga iniwang anak at asawa. Eksakto, sa bisperas ng pasko, magkakasama-sama na sila. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, bibilhin niya ang ticket at susurpresahin niya ang kanyang mag-iina, yung pinaghirapan niyang isanlibo ay binawasan niya ng kaunti at namili ng kaunting pasalubong para [.....]