(Pitong
Diona sa Bigas)
I.
Mga
natatapon na
Kanin sa
may lamesa
Langgam
ang tumitira
II.
Bigas na
isasaboy
Sa kasal
ng palaboy
Atin
nang iabuloy
III.
Kaning
lamig at sabaw
Iniinit
ang ginaw
Parang
ako at ikaw
IV.
Bandehado
ng kanin
Kanilang
aanihin
Dehado’ng
kikitain
V.
Naubusan
ng kanin
Ang
kalderong maitim
Kumalam
nang mataimtim
VI.
Isang
kilo ng bigas
at bagyo
na malakas
lugaw
ang handa bukas
VII.
Sinaing
ay natusta
Tutong
ang nasa mesa
Binuska
ng prinsesa
* Lahok sa Saranggola Blog Awards 7 (http://www.sba.ph).





0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento