1:24 AM

oyayi

Kung may buhay pa ang mga tilapia’t bangus, malamang gininaw na ito sa pagtatanggal ni Kath ng lahat ng kanilang laman. Inihihiwalay niya ang mga ito sa tinik at inilalagay sa plato samantalang ang mga matitirang ulo at tinik naman ay iniitsa niya sa batya kasama ang mga thumbtacks, talahib, tangkay ng rosas, tinik ng makahiya at amorseko. “Kath, paabot na niyang batya” nasa kwarto naman si Jerick at tuluyang pinarurupok ang pundasyon ng kanilang kama. Inilagay niya na dito ang mga makalawang na alambre at barbed wire. [.....]