I.
Pagkatapos ng limampung taon,
laman ulit sila ng kaparehong simbahan. Gold ang motif, kaya sa bawat panig ng
lumang simbahan ay masisilaw ang mga bisita sa kinang ng ginto. Kompleto ang
lahat. Gold ang tela at bulaklak na nasa aisle. Gayundin ang kandila sa may
altar. Pati ang mga bisita ay glamurosa
rin sa kani-kanilang mga gintong barong at gown. Nakahanay sa unahan ang kanilang siyam na
anak, hinihintay ang kanilang mga magulang sa kanilang gold na ataul.
*alay sa mag-asawang lulan ng L300
na nabangga ng Gold Liner
II.
“May tumututol ba sa kasalang
ito?”
Matamis ang tingin at ngiti ng
magkatipan sa isa’t isa. Ninanamnam ang mga huling sulyap bago sila matali sa
banal na matrimonya.
“Itigil ang kasal!”
Sumigaw ang buntis sa may
tarangkahan ng simbahan. Nilingon siya ng lahat ng mata.
“Yang lalaking yan ang ama ng
batang ito!”
PAK
Binawi ng isang malutong na
sampal na pinakawalan ng bride sa groom ang lahat ng mata. At muling inihatid
pababa ng altar, palakad sa aisle at patakbo sa may pintuan ng sim bahan ang
bride.
Matalas na sinalubong ng mga ang
buntis na naglakad papalapit sa altar.
PAK
Isang malakas na sampal ang pinakawalan
ng nito sa pari.
At nanuya ang mga mata.
Lumabas ang buntis at iniwang
luhaan ang dalawang lalake.
III.
Nagbubulungan ang mga bisita sa
kasal sa baryo.
“Napakasuwerte talaga ni Fred sa
kaniyang aasawahin ano?” winikia ng ale habang nagpapaypay at sinisipat ang
buong pagkatao ng bride.
“Oo nga. Mantakin mo, napakaganda at balita ko e
mayaman pa raw.” tugon ng isa pang ale na nag-ambag din ng pagsipat sa babae.
Nagsalita na ang pari.
“Bago natin simulan ang banal na
serimonya ng matrimonya, mayroon bang tumututol sa kasalang ito? Tumindig na
kayo o habang buhay na namnamin ang katahimikan.”
…
“AKO! Itigil ang kasal!” sigaw ng
surgeon.
Nabasa ko na po ito ng maraming beses pero di ko pa rin maintindihan yung third story.
TumugonBurahinmay nagbabasa pa pala dito. hehe bukas siya sa iba't ibang interpretasyon. siguro, sa akin, inihabol ko lang na clue yung "surgeon" :)
Burahin