I.
Pagkatapos ng limampung taon, laman ulit sila ng kaparehong simbahan. Gold ang motif, kaya sa bawat panig ng lumang simbahan ay masisilaw ang mga bisita sa kinang ng ginto. Kompleto ang lahat. Gold ang tela at bulaklak na nasa aisle. Gayundin ang kandila sa may altar. Pati ang mga bisita ay glamurosa rin sa kani-kanilang mga gintong barong at gown. Nakahanay sa unahan ang kanilang siyam na anak, hinihintay ang kanilang mga magulang sa kanilang gold na ataul.
*alay sa [.....]
Sa may pintuan ng ShoeMart (SM)
May isang nakayapak na pulibi na nagpupumilit pumasok sa loob ng mall. Pero pilit siyang hinaharang ng mala higanteng guwardya.
guwardya: hindi ka puwedeng pumasok sa loob ng mall! pulubi: bakit po? guwardya: dahil nakayapak ka!
Magpupumilit pumasok sa loob ng mall yung pulibi. guwardya: (GALIT) O SAAN KA PUPUNTA? pulubi: sa loob ng mall! Bibili ng sapatos. guwardya: hindi ka nga puwede pumasok sa loob ng mall at nakayapak ka.
Magpupumilit pumasok sa loob [.....]