12:49 AM

Oo




Miyerkules. Kaya kakaunti lang ang estudyante. Buti at walang sagabal sa gagawing pagkaripas ng takbo mula sa GWA hanggang sa Library.  Ngayon na ako sasagutin ni Cindy. Sapat na siguro itong panyong pula, ireregalo ko sa kanya, pero bago ang lahat, kailangan ko munang hanapan ng sagot ang pag-aalburuto ng sikmura ko.  At sa mga ganitong pagkakataon, ang mga palikuran sa library ang nagsisilbing santuaryo ng bawat PNUan.
Takbo-lakad ang ginawa ko. Takbo kapag nararamdaman kong medyo umuurong na ang laman-tiyan at lakad naman [.....]

8:46 PM

halintulad




oyayi sa nakatindig na tore


tulog na, toreng maliksi libog mo’y iyong iwaksi lagukin ang anestisya pagmulat, isa ka nang kuweba


martes
‘sang buwan ka nang lalake may balbas at may bigote ba’t may dugo ang ‘yong puke?


pompyang
dal’wang sinapupunan nagmamahalan mag-aampon na lamang


matinee
laman ng sine’t TV katambal, sari-sari halikan, siya ang hari dumuduwal sa gabi




proyekto sa panulaang filipino prop. joel costa [.....]

6:07 AM

Romano Pilosopo



Ang pilosopiya ng mundo ay maikukumpara sa kalituhang taglay ng hiwaga sa pagitan ng kung ano nga ba ang nauna, ang itlog o ang manok. Para kahit paano ay maunawaan ang talinghagang ito, may dalawang kasangkapan ang puwedeng gawing tuntungang bato—ang utak at ang lipunan.
Utak
Ang pagkakaloob sa atin ng utak ay pagpapaubaya lamang sa atin ng dakilang lumikha na pumili sa itinakda niyang mapamimilian. Hindi porket may utak na at nakapag-iisip na ay nangangahulugang matalino na ang mga mabubuo nitong konsepto o [.....]