Sunday. Sundae. Someday.



Linggo at may misa ka,
Ako nama’y may kilos-protesta

Ipinagdarasal mo ako,
At pinapalaya ko kayo.

Lumuhod ka pagkalunok ng ostya
Napaluhod ako sa pagpalo ng batuta

Matapos ang basbas ng kura paroko
Matapos ang pagbomba ng bumbero

Magkita tao sa may Mcdo
Dun sa may Recto

Kung walang dumating na ako,
Isawsaw mo na lang ang fries sa sundae mo

Ipagdasal mo na rin ang paglaya ko.

Next PostMas Bagong Post Previous PostMga Lumang Post Home

1 komento:

  1. Matagal ko nang pinagdarasal na makita ang taong pakakasalan ko.




    Sa blog na ito ko lang pala makikita.

    Sorry. :(

    TumugonBurahin