Orgasmo: Pula Kung Magmahal ang Aktibista



Nagmahal ang Aktibista

Mahal kita
Mahal ko ang lipunan
Mahal mo ang lipunan
Mahal mo ako

Mahal mo ako
Mas mahal ko ang bayan
Mahal kita
Mas mahal mo ang bayan

Mahal na mahal kita
Mahal na mahal mo ako
Mahal na mahal natin ang bayan

            Mahal nila ang tubo
            Mahal nila ang kita
            Mahal nila ang bala
            Mahal nila ang sistema

                        Mahal ang gasolina
                        Mahal ang matrikula
                        Mahal ang buwis
                        Mahal ang bilihin

Mahal…
…Mahal
Makipagniig na tayo sa masa.






Minsan sa Anatomiya ni Luisita

Sige!
Bayuhin mo ako.
Itarak mo sa akin ang iyong piko.
Ariin mo ako obrero.
Iyong-iyo ang pagkababae ko.

Sige!
Gawin mo akong parausan.
Walang habas mo akong pagsawaan.
Ang tamod ko’y pitasin
At sa sambayanan ihain.

   Kung masarapan man ako’t umungol,
   bibig ko’y iyong busalan.
   Baka magising ang aking Panginoon ng kaharian
   at ipalapa ka sa mga serpyenteng bayaran.

Lagi mong pakatatandaan
Iyo ang aking puso’t katawan
            Maging ang kaluluwa’t kalamnan

Ang relasyon ko sa hari’y isang kasulatan
                                           isang kabalintunaan
                                           isang kasinungalingan

Sige! Palayain mo ang orgasmo
At tatanggapin ko ng buong-buo

Sige! Paduguin mo ang ari ko.
Nang mailuwal ko ang daan libong rebolusyonaryo.






  

Ang Lipunan sa Pananaw ng Misyunaryo

‘Pag ikaw ang nasa ibabaw, ikaw lang ang nasasarapan. Ako naman
      ang pinagpapawisan.‘Pag ikaw ang nasa ibabaw, ikaw lang
ang nakakaraos. Ako naman ang napapagod. ‘Pag
       ikaw ang nasaibabaw, ikaw lang ang nail-
ligayahan. Ako naman ang nahihi-
    rapan. Mas doble ang hingal
       ko. Mas triple sa libog
mo. ‘Pag ako ang
  umibabaw, gi-
    ginhawa ang
        bayan.

Dahil­ isang pursyento ka lang naman
ng sambayanan.




Next PostMas Bagong Post Previous PostMga Lumang Post Home

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento